RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Friday, December 23, 2011

Himig Ng Pasko – Apo Hiking Society



Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa’t damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit

Himig ng Pasko’y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

Himig ng Pasko’y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin


Sunday, May 15, 2011

Keep holding on – Avril Lavigne

You’re not alone
Together we stand
I’ll be by your side
You know I’ll take your hand
When it gets cold
And it feels like the end
There’s no place to go
You know I won’t give in
no I won’t give in

Keep holdin’ on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through
Just, stay strong
Cause you know I’m here for you
I’m here for you
There’s nothing you can say
Nothing you can do
there’s no other way when it comes to the truth
So, keep holding on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through

So far away
I wish you were here
Before it’s too late
This could all disappear
Before the doors close
And it comes to an end
With you by my side
I will fight and defend
I’ll fight and defend yeah yeah

Keep holdin’ on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through
Just, stay strong
Cause you know I’m here for you
I’m here for you
There’s nothing you can say
Nothing you can say
Nothing you can do
nothing you can do
There’s no other way when it comes to the truth
So, keep holding on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through

Hear me when I say
When I say I believe
Nothing’s gonna change
Nothing’s gonna destiny
Whatever’s meant to be
Will work out perfectly
Yeah, yeah, yeah, yeah.

Keep holdin’ on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through
Just stay strong
Cause you know I’m here for you
I’m here for you
There’s nothing you can say
nothing you can say
Nothing you can do
nothing you can do
There’s no other way when it comes to the truth
So, keep holding on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through

Keep holdin’ on
Keep holdin’ on
There’s nothing you could say
Nothing you could say
nothin you could do
nothing you could do
There’s no other way when it comes to the truth
So, keep holding on
Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through


Saturday, May 7, 2011

Flores De Maria Santacruzan 2011 Facts and Figures






Ano ang Santacruzan?

Ang Santacruzan ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo/ Flores de Maria. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino. May ilang personalidad sa industriya ng pelikula at telebisyon ang lumalahok sa ganitong pagdiriwang at kadalasan ay nagiging tampok sa sagala bilang reyna at konsorte.


Ang pagdiriwang ay dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol at mula noon ay naging bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino.


Kasaysayan ng Santacruzan

Ilang daan taon na ang nakalilipas, ang emperador ng Roma, si Constantino, ay dinalaw ng isang panaginip na siya ay hinihingan ng tulong na pumunta sa isang digmaan upang lumaban sa ngalan ng Banal na Krus. Nasupil niya ang kanyang kalaban at ang kanyang tagumpay ay naging sanhi nang kanyang pagiging kristiyano. Siya ang naging unang Kristiyanong emperador sa kasaysayan. Dahil sa lahat ng mga pangyayari, nagkaroon ng inspirasyon ang kanyang ina, si Reyna Elena, at noong taong 326 A.D., nagsagawa siya ng isang paglalakbay sa Banal na Lugar upang hanapin ang Banal na Krus.
Matagumpay na nahanap ni Reyna Elena ang Banal na Krus at sa kanyang pagbabalik ay nagkarooon ng isang masayang pagdiriwang.

Sunday, March 13, 2011

ANG TAÓNG CRISTIANO: Panahon ng Cuaresma by The Lord Reigns Church - Los Baños

Ano ang ibig sabihin nito? Ito ay hango sa salitang Latin (quadragesima) na ang ibig sabihin ay 40 araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay (Cuadragésimo día antes de la pascua) at pumapatungkol sa isang kaugalian ng batang Iglesya kung saan may kabuuang 40 oras na pag-aayuno ang ginagawa ng mga tao bago nila ipagdiwang ang Linggo ng Pagkabuhay. Kilala ang Cuaresma sa Ingles sa tawag na “Lent” na nagmula naman sa salitang “tagsibol” (spring) at “paghaba” (lengthen) – patungkol sa unti-unting paghaba ng oras ng liwanag ng mga araw mula noong Pista ng Kapaskuhan hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. Ang panahong ito ay nagtatagal ng 40 araw mulaMiércoles de ceniza (Ash Wednesday, Marso 9) hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 24).


Habang ating hinihintay ang Linggo ng Pagkabuhay hinihimok tayong magsuri sa ating mga sarili habang ating inaalaala si Cristo at ang Kanyang pagtubos. Siya ang ating halimbawa, at sa 40 araw na ito ating sinisikap ang mas masigasig na pakikipagbuno laban sa mundo, sa mga pita ng laman, at sa Diablo. Ang ating minimithi ay mas higit na kabanalan, at paglago sa kahustuhan ng isip bilang isang Cristiano at pagsunod sa Diyos.

Sentral sa isang taimtim na pagdiriwang ng Cuaresma ang pagsisisi. Ang tunay na pagsisisi ay kakakitaan ng tunay na pagbabago ng kalooban ukol sa mga aspeto ng ating mga buhay kung saan kailangan tayong manumbalik sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit walang kabuluhan ang pagsunod lamang ng mga panglabas na paggunita sa Cuaresma, gaano man ito karelihiyoso o kahirap. Gayun din ang paggunita ng Cuaresma ay hindi isang “guilt trip” kung saan ang pokus ay tanging sa sarili na nagdadala lamang ng higit na kawalang ng pag-asa.

Ang pokus ng tunay na pagsisisi ay ang Diyos na banal at mahabagin. Kaya ang pagsisising Cristiano ay kakakitaan ng pananampalataya sa Diyos, pagtitiwala sa Kanya at pagtugon sa Kanyang biyaya. Bagama’t atin pa ring nararamdaman ang bigat ng ating kasalanan at lungkot, hindi tayo nadadaig nito sapagkat ating alam at pinagtitiwalaan ang kabutihan Niya patungo sa atin.

Ang Cuaresma ay hindi panahon ng pag-alaala o pagbubulay-bulay lamang sa mga pangyayari patungkol sa pagdurusa ng Panginoon habang Siya ay nabubuhay rito sa lupa. Ito ay magandang pagkakataon para sa isang taimtim na pagsusuri ng sarili at pagsisisi, magin ng pagaayuno (Lucas 5:34-35). Ang tampok na araw ng panahong ito ay ang Biyernes Santo kung saan ating inaalala na ipinako ang Panginoong Jesu-Cristo sa krus para sa ating mga kasalanan.

Tuesday, March 8, 2011

Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Mateo 7:21-27. Marso 6, 2011

-Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa Langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, "Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga dimonyo, at gumawa ng kababalaghan sa iyong pangalan". At sasabihin ko sa kanila: "Kailanman'y hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!".

-"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.

Ang bawat nakikinig sa aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak."


-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

-Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo.

Saturday, February 26, 2011

Mabuting Balita ngayong Linggo ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga alagad: "Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

" Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan niya upang mabuhay, o tungko sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya'y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa Langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay ng kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

" At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapasusuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa'y igagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ay kinahuhumalingan ng mga taong walang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa Langit na kailang ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumikatan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito'y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin."

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Tuesday, February 22, 2011

Mabuting Balita ngayong araw ayon kay Timoteo 4:5-8

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Alagad:

"Kaya, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras. Pagtiisan mo ang mga kahirapang dumarating sa iyo. Gampanan mo ang mga tungkulin ng isang Mangangaral ng Mabuting Balita. Tupdin mo ang iyong mga tungkulin, bilang Tagapaglingkod ng Diyos. Ako'y iaalay na: dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa Pananampalataya. Kakamtan ko na ang  Korona ng Pagtatagumpay."

-Ang Mabting Balita ng Panginoon.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Saturday, February 19, 2011

Alak sa Banal na Misa: Simbolo ng Galak at Buhay, Komunyon at Pagkakaibigan

-Ang alak ang Pinakamahalagang handa sa kapistahan na nagbibigay ng galak at buhay. Ito ay simbolo ng kaligayahan, kasaganaan, at pagiging mabunga. Higit pa ito sa pagpawi ng uhaw. Sa Huling Hapunan ng mga Hudyo, umiinom sila ng "Apat na Kopa ng Alak", bilang pagpapahiwatig ng Galak at Bendisyon ng Diyos.

 -Tumutukoy ang alak sa pagkakaibigan at ugnayan sa iba. Nagbibigay ito ng pagkakaisa at pagkakataong makipagtalastasan. Ang pag-inom nang sama-sama, ang pagdiriwang at tagumpay, ang paghahanda ng pinakamasarap na alak, ay palaging nagpapahiwatig ng armoniya at ugnayan sa iba. Kaya nga't ang isang mabuting kaibigan ay inihahalintulad sa isang mabuting alak (Mabuting Balita mula kay Sirac- 9:10), at ang pag-ibig ay tulad sa isang alak. (Awit-1:2).

-Source: Sambuhay, February 20,2011, Nananalanging Simbahan, Katesismo Tungkol sa Liturhiya ni Sister Maria Cecilia M. Payawal, P.D.D.M

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 5:38-48

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Alagad: "Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa Mata at Ngipin sa Ngipin.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo ang kabila. Kung ipagkasakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala ng isang kilometro, pasanin mo ito ng dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong paghindian ang nanghihiram sa iyo.

"Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan ang iyong kaaway.' Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa Langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang inyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga Publikano? At kung ang binabati lanag ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa Langit.

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon ngayong Ika- 7 Lnggo sa Karaniwang Panahon. Pebrero 20, 2011.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.