RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Tuesday, April 2, 2013

Unang Pagbasa mula sa Mga Gawa 10:34a, 37,43

" Ang Pagkabuhay ni Hesus ay ang puso ng 'kerygma' ng mga unang Kristiyano. Ito ay ang pagpapahayag ng pagliligtas ng Diyos sa pagtatagumpay ni Hesus laban sa kamatayan."

                            

              Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

"Noong mga araw na iyon, Nagsalita si Pedro, "Alam ninyo ang nangyari sa boung Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko'y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipnagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya'y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Nagpakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una'y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya'y muling mabuhay. Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan."

>Ang Salita ng Diyos

Bayan>Salamat sa Diyos

                                                       

Saturday, March 16, 2013

Mabuting Balita ayon Kay San Juan 8:1-11

            

                               > "Noong panahon iyon, si Hesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo, Kinaumagaha'y nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya't umupo siya at sila'y tinuruan. Noo'y dinala sa kanya ng mga Eskriba at mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. "Ano ang masasabi mo?" Itinatanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya. Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang kakatanong si Hesus, kaya't sila'y tiningnan niya at sinabi ang ganito, "Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya." at muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaing naroon pa rin sa harapan niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: "Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?" "Wala po, Ginoo", sagot ng babae. Sinabi ni Hesus: "Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala."



> Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

> Sipi sa Mabuting Balita ng Sambuhay, Marso 17, 2013, Linggo, Ika-5 Linggo ng Kuwaresma, K

Saturday, March 2, 2013

Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas 3:15-16, 21-22

                                  Noong Panahong Iyon, naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesiyas at ng akala ng marami’y si Juan ang kanilang hinihintay. Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, “Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, at ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak.”                                  

                                     Nabinyagan na noon ang lahat ng tao, gayun din si Hesus. Nang siya’y nananalangin, nabuksan ang Langit at bumaba sa kanaya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”



-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tugon: “Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


Mula sa Sambuhay, Enero 13, 2013, Linggo,  Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon, K, Puti.

Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas 4: 21-30

> Noong panahong iyon, nagsalita si Hesus sa sinagoga: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan samantalang nakikinig kayo.” Pinuri siya ng lahat, at namangha sila sa kanyang  napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila. Kaya sinabi ni Hesus, “Walang pagsalang babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: “Doktor, gamutin mo ang iyong sarili!,” Sasabihin din ninyo sa akin, “Gawin mo naman sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.”

> At nagpatuloy sa pagsasalita si Hesus, :Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinsabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Sarepta, Sa Lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ng Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang Pinagaling.”

> Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at pinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.

> Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
> Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
>” Sipi mula sa orihinal na teksto ng Mabuting Balitang Biblia ng Sambuhay, Taon 26, Blg. 42, Ika-4na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Berde. Pebrero 3, 2013″


Inspirational Songs for Lent 2013



Gaya Ng Dati – Gary Valenciano

Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi Ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa lagi ay may ngiti
Mga matay nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasan na ang init ng pagsinta
Pangako moy hindi magwawakas

Di bat noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di bat noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla at tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal Ko bay kailangan pa


Ooh

Dati-rati
Mga pangako Koy kandungan mo’t lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di bat noon
Sa kaibigan moy Akong bukambibig
Bakit ngayoy anong lamig


Di mo alam Akoy nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit kat Akoy naghihintay
Naghihintay, ohh

Akoy nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit kat akoy naghihintay


Di mo alam Akoy nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit kat Akoy naghihintay


Panginoon
Akoy nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon ang buhay kong itoy
Iaalay sa Iyo gamitin mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati

Gaya ng dati