RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Saturday, June 19, 2010

Pagtatalaga sa Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis-Linisang Puso ni Maria

-Mahal na Puso Ni Hesus, ang Malalim na mga sugat at pagkakawatak-watak ng aming Bansa ang nagdudulot sa aming tugunan nang maagap ng mabibigat na suliranin sa aming panahon. Kami'y Bayang Sugatan; ang aming mga Puso'y Nagkapira- Piraso na. Pinaghihinaan na kami ng Loob. Nagsusumamo po kami sa Iyong Mahal na Puso, Panginoon, Hilumin Mo po Kami at gawin mong ganap muli.

-Nakaugat sa aming Pananampalataya sa Iyo at sa Pagmamahal namin sa Aming Bansang Pilipinas, ang nais naming mkilahok sa gawain ng Pagpapanibago ng mga Pilipino, ng kanilang mga mag-anak, mga samahan, lalung-lalo na ang bawat Sekta ng Katoliko at ang aming Lipunan. Sa pamamagitan ng nagpapanibagong kapangyarihan ng Pag-Ibig ng Iyong Puso, Daluyan Mo po kami ng Bagong Sigla, ng Bagong Pamukaw Sigla, ng Ningas na makapagbabago sa buhay ng bawat isa at ng Buong Bansang Pilipinas.

-(Banggitin ang iyong natatangging kahilingan)

- O Pag-Ibig ng Mahal na Puso ni Hesus, Pagkalooban Mo po kami ng Tapang at Pagtitiyaga. O Karunungan ng Mahal na Puso ni Hesus, Turuan mo po Kaming Manalangin at Kumilos na puspos ng Pag-Asa at Pagmamalasakit sa aming kapwa sa lahat ng panahon. Amen.

-Kamahal-Mahalang Puso ni Hesus, Maawa Ka sa amin.

-Kalinis-Linisang Puso ni Maria, Ipanalangin mo po kami.

Panalangin ng mga Layko, Para sa mga Pari

Panginoong, itinataas po namin ang aming pastol, ang aming Lider Obispo at mga tanang Kaparian. Alam naming dahil malapit sila sa Iyo, huhubugin mo ang kanilang mga puso ayon sa Iyong puso.

Nagsusumamo kami na pagkalooban mo kami ng biyaya ng paghihilom at  pagpapanibago. Sa natatanging paraan, itinataas namin sa Iyo ang mga Paring NagBinyag sa amin, nagpatawad, sa aming mga kasalanan sa kumpisal, nakilakbay sa aming pamilya, sa bawat yugto ng aming buhay, ang mga Paring Gumabay sa amin at nagpalakas ng aming kalooban, at nagdulot sa amin ng Iyong Katawan at Dugo. Sila'y mga Dakilang Handog mo sa amin. Nagpapasalamat po kami dahil sa kanila.

-Hinihiling naming pagkalooban mo pa sila ng kargdagang tapang sa pakikiisa nila sa iyo sa Pagpasan ng Krus. Huwag Mo silang pababayaan at panatilihin mo sila sa Yakap ng Iyong mga Bisig. Amen.