RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Tuesday, April 2, 2013

Unang Pagbasa mula sa Mga Gawa 10:34a, 37,43

" Ang Pagkabuhay ni Hesus ay ang puso ng 'kerygma' ng mga unang Kristiyano. Ito ay ang pagpapahayag ng pagliligtas ng Diyos sa pagtatagumpay ni Hesus laban sa kamatayan."

                            

              Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

"Noong mga araw na iyon, Nagsalita si Pedro, "Alam ninyo ang nangyari sa boung Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko'y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipnagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya'y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Nagpakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una'y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya'y muling mabuhay. Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan."

>Ang Salita ng Diyos

Bayan>Salamat sa Diyos