RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Saturday, February 26, 2011

Mabuting Balita ngayong Linggo ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga alagad: "Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

" Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan niya upang mabuhay, o tungko sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya'y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa Langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay ng kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

" At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapasusuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa'y igagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ay kinahuhumalingan ng mga taong walang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa Langit na kailang ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumikatan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito'y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin."

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Tuesday, February 22, 2011

Mabuting Balita ngayong araw ayon kay Timoteo 4:5-8

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Alagad:

"Kaya, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras. Pagtiisan mo ang mga kahirapang dumarating sa iyo. Gampanan mo ang mga tungkulin ng isang Mangangaral ng Mabuting Balita. Tupdin mo ang iyong mga tungkulin, bilang Tagapaglingkod ng Diyos. Ako'y iaalay na: dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa Pananampalataya. Kakamtan ko na ang  Korona ng Pagtatagumpay."

-Ang Mabting Balita ng Panginoon.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Saturday, February 19, 2011

Alak sa Banal na Misa: Simbolo ng Galak at Buhay, Komunyon at Pagkakaibigan

-Ang alak ang Pinakamahalagang handa sa kapistahan na nagbibigay ng galak at buhay. Ito ay simbolo ng kaligayahan, kasaganaan, at pagiging mabunga. Higit pa ito sa pagpawi ng uhaw. Sa Huling Hapunan ng mga Hudyo, umiinom sila ng "Apat na Kopa ng Alak", bilang pagpapahiwatig ng Galak at Bendisyon ng Diyos.

 -Tumutukoy ang alak sa pagkakaibigan at ugnayan sa iba. Nagbibigay ito ng pagkakaisa at pagkakataong makipagtalastasan. Ang pag-inom nang sama-sama, ang pagdiriwang at tagumpay, ang paghahanda ng pinakamasarap na alak, ay palaging nagpapahiwatig ng armoniya at ugnayan sa iba. Kaya nga't ang isang mabuting kaibigan ay inihahalintulad sa isang mabuting alak (Mabuting Balita mula kay Sirac- 9:10), at ang pag-ibig ay tulad sa isang alak. (Awit-1:2).

-Source: Sambuhay, February 20,2011, Nananalanging Simbahan, Katesismo Tungkol sa Liturhiya ni Sister Maria Cecilia M. Payawal, P.D.D.M

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 5:38-48

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Alagad: "Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa Mata at Ngipin sa Ngipin.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo ang kabila. Kung ipagkasakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala ng isang kilometro, pasanin mo ito ng dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong paghindian ang nanghihiram sa iyo.

"Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan ang iyong kaaway.' Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa Langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang inyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga Publikano? At kung ang binabati lanag ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa Langit.

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon ngayong Ika- 7 Lnggo sa Karaniwang Panahon. Pebrero 20, 2011.

-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.