RISEN CHRIST LENT/HOLY WEEK PLAYLIST

Friday, May 14, 2010

mga words of wisdom ni Bishop Anthony Fereira, part 2





"Hindi mo kailangang maging ROMANO para maging KATOLIKO, at lalong hindi mo kailangang maging ROMANO para maging KRISTIYANO, sapat na ang pagiging PILIPINO mo kung kaya't ikaw ay naging KATOLIKONG PILIPINONG KRISTIYANO." +A.D.F.

mga words of wisdom ni Bishop Anthony Fereira, part 1

 "Religion is not a BUSENESS instead it is a manifestation of our Lord's kingdom on earth. Preaching is not a profession, instead it is a vocation. A preacher must be "a person for others."

-yah ha. mga p.y.m members. tandaan po natin ito. o eto pang isa.....

Tuesday, May 4, 2010

Nananalaging Simbahan, Katesismo Tungkol sa Liturhiya





Mga Kandila sa Eukaristiya

-Nagsisindi ng mga kandila sa tabi ng altar tuwing magdiriwang ng Eukaristiya. Isa itong kaugalian na maaaring  nagsimula noong ika-11 siglo. sa pambungad na rito, ang pagpasok ng Obispo o ng namumuno sa pagdiriwang ay sinasamahan ng mga nakasinding kandila bilang tanda ng paggalang.

-Tulad ng paglalagay ng kandila sa ibabaw ng hapag kapag may nagaganap na maringal, higit pa sa gandang taglay nito, nagpapaalala ito sa mga dumadalo sa pagdiriwang ng malalim na misteryong nagaganap sa pagitan ni Kristo at ng komunidad na nananampalataya sa Kanya at tumatanggap sa Kanya na buong- buo at may pagmamahal.

-Source: Sister. Maria Cecilia M. Payawal, PDDM, SambuhayMay 2, 2010

Sa May 10, 2010 Election, Iboto ang Pulitikong......




Makadiyos- May Moral na batayan sa bawat kilos at gawa.

Makabayan- Kapakanan ng Bawat Pilipino ang Saloobin.

Marunong- Bihasa sa Pamamahala.

Masipag- Handang igugol ang pagod at panahon sa pagganap ng tungkulin.

at Marangal- Di nasisisilaw sa salapi, matapang na lumalaban sa katiwalian.


-Alamin niyo po ang bagong proseso ng tamang pagboto. sumangguni sa Comelec o PPCRV Center.